Written By Roi Plata on Friday, May 6, 2016 | 6:11:00 PM
Naniniwala ba kayong bobo ang mga Pinoy? Ako HINDI. Pero naniniwala ako na ang karamihan ng bobong Pilipino ay botante. Ano ba ang depinisyon ng pagunlad sa mga Pinoy? Pag nakakatangap ng Isang kilong bigas kada buwan? Pag may libreng Cake tuwing Birthday nila? May libreng School supplies at sapatos tuwing pasukan? Ang mga bagay na panandalian lang ay hindi pag unlad.

Yung mga taong sumigaw para iboto ang isang kandidato ay sila din ang sumisigaw para pababain ito sa pwesto. Iyakin ang mga Pilipino, Wala silang ginawa kundi magreklamo. Nagrereklamong wala silang makitang trabaho, pero hindi nakapag tapos dahil mga tamad at gago. Kinukuwento nila sa mga ka inuman sa tanghaling tapat ang mga kupal na pulitikong nagnanakaw pero sila din ang bumuto. Kachismisan ang mga kumare habang nagtatantos sa kard ng bingo. Tapos magtataka sila kung bakit sila naghihirap. bakit nga ba? Kase Bobo ka.



Walang alam gawin kundi umiyak, manisi at magreklamo. Ayaw na ayaw nilang masisi sila o aminin wala silang ginagawa. Lahat isisisi sa mga nakapwesto. Bakit sino ba nagsabeng iboto mo? Eh kung hindi mo binoto, Sa tingin mo kung nanalo ang binoto mo, magbabago ang buhay mo habang nakaupo sya ng anim na taon? TANGA. Wag mong sisihin sa Gobyerno kung bakit wala kang makitang trabaho kase ang baba ng grades mo nung college. Tanga, wag mong isisi sa gobyerno kung wala kang makitang trabaho kase Highschool lang ang inabot mo. Ang dame kong kilalang HS graduate na may tabaho kya wag ako. Wag mong iiyak, di mu lang matangap sa sarili mong tamad ka kaya isisi mo sa iba. Ang dameng nakatakas sa kahirapan dahil nagsumikap sila. Hindi sila umunlad ng nagrereklamo sa buhay habang may umiikot na baso sa harapan nila.

Kahit anung galing pa ng nakaupo kung ganyan ang pilipino, wala ng pagasa ang pilipinas. Sigurado ako. Kahit anung galing pa ng Guro, kung wala naman  balak matuto ang mga studyante nya, walang mangyayare. Tandaan mo ang bobo natuturuan basta gugustuhin nya.

Kung natamaan ka, malamang iyakin at bobo ka din? BOBO kaba tulad ng iba?

0 comments:

Post a Comment

 
Top