Written By Roi Plata on Friday, August 31, 2012 | 1:08:00 AM
Paulit ulit na eksena, pero kahit minsan wala  pa sigurong nagsawa, ang mga kadalasng eksena sa isang "TUNAY" na pelikulang pilipino.

  • Action
Laging may sidekick na Komedyante ang Bida, At kahit anung tanda nito hanep makahanap ng chicks dalaga at sariwa. Paboritong pasalubong ang Pansit, At alam mu na mamatay ang taong tuwang tuwang makakain ng pansit kung hindi aksidente ay papatayin, agaw buhay na pero walang tumatawag ng ambulansya kaya wala ng gagawin kundi maghabilin na lang. Titingala at isisgaw ng bida ang pangalan ng namatay.

Maghihigante tuloy si Bida, Makikipagsuntukan ng magisa laban sa madameng kalaban at akalin mong mananalo sya di ata naisip ng kalaban na sugurin ng sabay sabay. Magkakaroon ng habulan ng sasakyan at Himalang walang Traffic. Isa sa mga sasakyan ng goons dadaan sa rampa at sasabog. Yung iba naman sasalpok sa isang Fruit Stand. Mauuwe ang lahat sa isang Warehouse o Abandunadong Factory, Mura ang Baril, Pag wala ng bala itatapon. Kaya sa huli magsusuntukan na lang ang matitibay, Di naisip na pulutin ang mga baril ng namatay.

At kung Mala pusa ang buhay ng Bida, wag mu ng itanong kung ganong kadame ang buhay ng leading lady nya..
  • Comedy
Asahan mu na ang ending ay kantahan at sayawan sa beach, Lagi din may barilan sa bandang huli at magaling makipagsuntukan ang mga babae. Kapag babanat ang sidekick babatukan ng bida at kung si Wenn Daramas ang Direktor, asahan mo na si DJ Durano.

  • Drama/Love Story
Kawawa at inaalipusta ang bida na mahirap, Aalis at mawawala ng matagal pagbalik mayaman na sya at mapapansin lage syang nakakulot. kapag mahirap ang Kasintahan ng mayaban na babae aalukin na lng ng tseke ng magulang ng babae ang lalake. 

may alam ka bang pwedeng idagdag?
Comment na!
 
Top